Naghain si Agri Partylist Rep. Wilbert Lee ng panukalang batas na magbubukas ng oportunidad sa Agarwood industry.
Ayon kay Lee, layon ng hakbang na makalikha ng umaabot sa 30,000 na trabaho at livelihood opportunity sa bansa.
Ang House Bill No. 10320 o “Agarwood Industry Development Act” ay malaking tulong sa mga kababayan na kumita sa high-value industry at pagkakataon na makasabay globally.
Ang Agarwood ay mas kilala bilang “lapnisan,” isang dekalidad na puno na sikat dahil sa kanyang amoy at pangunahing pinagkukunan ng ‘Aquilaria’ na ginagamit sa pagawa ng insenso, pabango at medisina.
Ito ay nagkakahalaga ng P24,000 to P53 million kada kilo depende sa kalidad.
Kapag naisabatas, lilikha ng Agarwood Industry Authority (AIA) para na pangasiwaan ang farming, propagation, harvesting, trading, commercialization, development, and sustainability ng Aquilaria. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes