Nilinaw ni Senador Risa Hontiveros na hindi pag-atake ng mga Pilipinong may Chinese heritage ang ginagawang imbestigasyon ng Senado kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Katunayan, sinabi ni Hontiveros na ang kanyang great-grandmother sa side ng kanyang ina ay purong Chinese.
Lumabas lang aniya ang mga rebelasyon tungkol kay Mayor Guo matapos lumabas ang mga ebidensya ng kanyang kaugnayan sa POGO at ang ibang ebidensya ay galing mismo sa mga salita ng alkale.
Muli ring iginiit ng senador na hindi kailanman magiging katanggap-tanggap sa kanyang komite ang racism, xenophobia, at sinophopobia.
Nanindigan rin si Hontiveros na hindi maituturing na witchhunt at walang kaugnayan sa politika ang ginagawang imbestigasyon ng kanyang komite sa Senado.
Tungkol aniya ito sa national security, criminal activities, pananagutan sa public service, at ang kawalan ng sistema na i-regulate ang POGO bilang business model. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion