Nagsagawa ng Philippine Economic Briefing ang mga economic leaders ng bansa upang magbigay ng kasalukuyang estado ng ekonomiya.
Dumalo sa naturang briefing ang mga kinatawan ng Department of Trade and Industry, Bangko Sentral ng Pilipinas, Deparment of Finance, National Economic and Development Authority, at iba upang ilathala ang mga na-achieve ng pamahalaan sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.
Kabilang sa mga napag-usapan sa naturang pagpupulong ay ang Macroeconomic Landscape Conducive for Investments, Driving Investments to PH: Removing Roadblocks and Increasing Competitiveness in the World Market, at panghuli ay Navigating PH’s Investment Landscape: Where to Invest?
Muli namang siniguro ng mga economic manager ang patuloy na pag-iisip ng mga panibagong istratehiya upang mas mapaunlad pa ang ekonomiya ng bansa. | ulat ni AJ Ignacio