Hinihimok ng Department of Energy (DOE) ang mga kumpanya ng langis na tumulong kasunod ng oil spill sa Eastern Coast ng Oriental Mindoro.
Sa impormasyon mula sa Philippine Coast Guard (PCG) kahapon ng umaga nag-over heat ang makina ng MT Princess Empress at lumubog ang kalahati ng barko na may sakay na ang 20 tripolante at 800,000 na litro ng langis o diesel fuel.
Galing Bataan ang barko pupunta sana sa Iloilo pero napadpad sa Balingawan Point dahil sa masungit na lagay ng panahon.
Kasunod nito hinimok ni Energy Secretary Raphael Lotillia ang mga kumpanya ng langis na tumulong sa PCG upang mapigilan ang pagkalat ng langis sa dagat.
Ito ay para mabawasan ang pinsala sa kalikasan at sa tao.
Umaasa ang kalihim sa positibong tugon ng mga kumpanya ng langis. | ulat ni Don King Zarate
?: Philippine Coast Guard