Ongoing na ang assessment at validation ng National Irrigation Administration (NIA) sa mga naging pinsala ng bagyong Aghon sa irrigation systems at facilities sa bansa.
Kabilang sa tinututukan ang CALABARZON na isa sa mga rehiyong nakaranas ng mga pag-ulan bunsod ng bagyo.
Ayon sa NIA, nag-ikot na ang ilang opisyal ng NIA Quezon Irrigation Management Office (IMO) sa ilang proyektong pang-irigasyon kabilang ang Dumacaa River Irrigation System (RIS), sa probinsya ng Quezon para personal na makita ang sitwasyon sa mga nasabing sistemang patubig.
Sunod namang magsasagawa ng consolidation ang ahensya sa kabuuang damage hindi lamang sa sistemang patubig maging sa mga nasirang pananim ng mga magsasaka sa rehiyon. | ulat ni Merry Ann Bastasa