Nagikot ngayong umaga si DA Usec. for Livestock Victor Savellano sa ilang supermarket sa Quezon City para inspeksyunin ang presyo ng ilang panindnag karneng baboy at manok.
Ito ay para masigurong may abot kayang opsyon para sa mga mamimili.
Dito sa Waltermart sa QC, may ilang mas murang opsyon para sa karneng baboy gaya ng pork kasim at pigue na nagkakahalaga ng P263.00 kada kilo, at pork belly na nasa P345 ang kada kilo.
Maging ang manok ay mabibili rin sa P160 ang kada kilo.
Sunod na pinuntahan ang hypermarket at SM Supermarket kung saan nasa P160 lang din ang kada kilo ng tindang manok habang nasa P263-P300 pataas ang presyo ng karneng baboy.
Ayon kay Usec. Sevillano, layon ng trade check na maipabatid sa publiko na may mabibilhang abot kayang karne kahit sa mga grocery.
Dagdag pa nito, compliant ang mga supermarket sa food safety ng NMIS.
Sa parte ng DA, sinisikap na umano ng pamahalaan na mapababa ang production costs ng hog raisers at livestock sector.
Katunayan, pupulungin umano ni Sevillano ang mga gumagawa ng feeds para mapababa ang presyo nito.
Sa ngayon, tiniyak ni Sevillano na sapat ang suplay ng manok at baboy sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa