NDRRMC, nakapagtala na ng 1 kumpirmadong nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Aghon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na may isang nang naitalang nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Aghon.

Ayon sa NDRRMC, ito’y isang 14-na taong gulang na dalagita na nagbuhat sa Brgy. Baliwagan sa bayan ng Balingasag sa lalawigan ng Misamis Oriental.

Maliban dito, iniulat din sa pinakahuling situational report ng NDRRMC na isa ang kumpirmadong nasaktan dahil din sa bagyo bukod pa sa walong napaulat na injuries na patuloy pang isinasailalim sa beripikasyon.

Nabatid na sa datos ng Philippine National Police (PNP) na anim ang kumpirmadong nasawi sa kasagsagan ng bagyo.

Gayunman, sinabi ng NDRRMC na isinasailalim pa nila ang mga datos sa masusing beripikasyon dahil kailangan nilang maging maingat dito.

Bagaman may mga nakararating na ulat sa kanila hinggil sa bilang ng mga nasawi, hindi pa nila ito maituturing na opisyal na bilang hangga’t wala silang dokumentong hawak. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us