Luzon at Visayas Grid, muling ilalagay sa Red at Yellow Alert dahil sa manipis na reserba sa kuryente

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling isasailalim sa alert status ang Luzon at Visayas Grid ngayong araw dahil sa nananatiling manipis na reserva sa kuryente.

Sa abiso ng NGCP, muling ilalagay sa Yellow Alert ang Luzon Grid simula mamayang alas-1 ng hapon at sa mga susunod na oras:

๐˜๐ž๐ฅ๐ฅ๐จ๐ฐ ๐€๐ฅ๐ž๐ซ๐ญ
1:00PM-2:00PM
4:00PM-5:00PM
6:00PM-8:00PM
10:00PM-11:00PM

๐‘๐ž๐ ๐€๐ฅ๐ž๐ซ๐ญ
2:00PM-4:00PM hanggang 8:00PM-10:00PM

Paliwanag ng NGCP, bunsod pa rin ito ng mga plantang naka-forced outage at iba pang planta na tumatakbo ng mas mababa ang kapasidad kaya nasa 3,963.3MW ngayon ang unavailable sa grid.

Ayon pa sa NGCP, mataas din ang forecasted demand ngayong araw.

Dahil dito, apektado rin ang Visayas Grid na isasailalim din sa Yellow Alert mula 2:00PM hanggang 4:00PM. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us