Pinakokonsidera ni Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel sa Commission on Higher Education na sundan ang Department of Education (DepEd) at ibalik na rin ang lumang school calendar ng higher education institutions.
Aniya bagamat welcome development ang pagbabalik sa June to April school calendar ng basic education, paano naman aniya ang mga nasa kolehiyo.
Giit niya, hindi naman ‘heat proof’ ang mga college student.
Hindi rin naman aniya sapat na solusyon ang online class o distance learning.
Kaya dapat aniyang i-review na rin ng CHED ang patakaran ng maraming pamantasan na simulan ang academic year nila nang Agosto o Setyembre at ibalik ito ng Hunyo.
“I-revert na rin natin ang college na sa June magsimula. At sa paparating muli na budget deliberations tiyakin natin ang sapat na pondo para tiyakin ang kalidad ng edukasyon,” sabi ni Manuel. | ulat ni Kathleen Jean Forbes