Hindi nakikita ng Department of Budget and Management (DBM) na magkakaroon ng ‘underspending’ ang mga tanggapan ng pamahalaan para ngayong 2024.
Sa Philippine Economic Briefing, ibinida ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na maganda ang budget execution ng gobyerno para sa kasalukuyang taon.
Aniya, ang mga kalihim mismo ng executive branch ang bumalangkas ng National Expenditure Program upang paglaanan ng pondo ang priority projects ng kanilang tanggapan.
Katunayan ayon sa kalihim, Enero pa lamang ng taong ito, higit 80% na ng national budget ang naibaba na ng DBM.
Inaasahan aniya nila na sa kasalukuyan, nagastos na ito ng government offices sa mga proyekto na pinaglaanan nila ng pondo. | ulat ni Racquel Bayan
📷: DBM