Inatasan na ng Department of Health ang Bureau of Quarantine na maging alerto sa bagong variant ng COVID-19.
Sa Memorandum Order No. 2024-48, inatasan ng DOH ang Bureau of Quarantine na ilagay sa ‘heightened alert’ ang kanilang estado para mabantayan ang borders ng bansa.
Sa ngayon, 14 na bansa na sa mundo ang may naitala na kaso ng FLiRT variant ng COVID-19.
Kinabibilangan ito ng Singapore, Thailand, India, China, Hong Kong, Nepal, Israel, Australia, New Zealand, United States of America at 14 na bansa sa Europe, kasama ang United Kingdom.
Pinahihigpitan ng DOH ang screening sa mga papasok ng Pilipinas lalo na sa mga pasahero na nanggaling sa mga bansa na positibo sa bagong variant.
Pinapayuhan ng BOQ ang mga biyahero na darating sa Pilipinas na kumpletuhin ang mga health questionnaire sa kanilang e-travel application.
Pinaalalahanan din ang mga may sintomas ng COVID-19 na mag-isolate sa kanilang mga tahanan. | ulat ni Mike Rogas