Tinatayang magiging economic giant ang Pilipinas sa taong 2033 ayon kay Finance Secretary Ralph Recto.
Sa kanyang talumpati sa ginanap na Philippine economic forum, sinabi nito na base sa pagtaya ng mga global research firms and analyst, lalago ang ekonomiya ng bansa ng 5.8 to 6.3 percent kung saan mauungusan ang ibang ASEAN countries.
Anya patuloy na magpapakitang gilas ang Pilipinas hanggang 2027 at tinatayang malalagpasan ang bansang France na 14th largest economy.
Base anya sa trajectory makakamit ng bansa ang trillion-dollar economy ng hindi lalagpas ng 10 taon o isang dekada, kalinya ng malalaking bansa gaya ng China Japan, India at South Korea
Tiniyak din ng kalihim sa sambayanan na tinutugunan ng gobierno ang mga balakid naghahadlang sa pamumuhunan sa mga pangunahing sector bansa. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes