3 MOU at 1 LOI, nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Brunei sa state visit ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at His Majesty Sultan Haji Hassanal Bolkiah ang paglagda sa Memoranda of Understanding (MOU) kaugnay ng state visit Ng Chief Executive sa Brunei.

Ito ay ang MOU hinggil sa Maritime Cooperation at ang Recognition of Certificates na nasa ilalim ng probisyon ng International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping for Seafarers o STCW.

Ang nalagdaang MOU ay naglalayong palakasin at pagbutihin ang kooperasyong pandagat ng dalawang bansa.

Samantala nalagdaan din ang MOU on Tourism Cooperation na naglalayon namang palakasin, itaguyod, at paunlarin ang kooperasyon sa larangan ng turismo.

Ito ay sa pamamagitan ng pagdami ng mga mahihikayat pang turista na bumisita at dumarating sa Pilipinas at Brunei, at mapalago ang industriya ng turismo sa parehong bansa.

Nilagdaan din ang Letter of Intent (LOI) ng Pilipinas at Brunei Darussalam, na nagsusulong naman ng dagdag na Kooperasyong Agrikultural na ang target ay makamit ang seguridad sa pagkain sa pamamagitan ng pagpapataas ng produksyon ng mga produktong agrikultura. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us