Labis ang pasasalamat ng pamilya ng batikang aktor na si Eddie Garcia kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa paglagda nito upang maging ganap na batas ang Eddie Garcia Law.
Ayon kay 1Pacman Party-list Rep. Mikee Romero, stepson ng namayapang aktor, malaking bagay ito upang bigyang pugay ang mga kontribusyon at legasiya niya sa entertainment industry.
“We would like to express our deep gratitude to the President for honoring the life of Manong Eddie, Manoy to family and friends, and his contributions to the entertainment industry,” sabi ni Romero.
Si Romero ang pangunahing may akda ng panukala sa Kamara na layong siguruhin ang proteksyon ng mga movie at television workers sa bansa
Nakasaad sa panukalang batas, ang pagkakaroon ng kontrata sa pagitan ng employer at independent contractor na naglalaman ng oras at ang gagawing serbisyo.
Bibigyan din sila ng benepisyo gaya ng Social Security System, Pag-IBIG Fund, at Philippine Health Insurance Corp.
Kailangan ding tiyaking masusunod ang occupational safety and health standards, pangalagaan ang mental health, at pigilan ang sexual harassment sa lugar ng trabaho.
Si Garcia, na isang Bicolano, ang natatanging aktor na napabilang sa FAMAS Hall of Fame sa tatlong kategorya na Best Actor, Best Supporting Actor at Fest Director.
Maging si Speaker Martin Romualdez ikinalugod ang pagsasabatas ng panukala
Aniya, ang pagkasawi ng aktor ay nagsilbing eye opener sa pangangailangan ng proteksyon ng mga manggagawa sa entertainment industry.
Paraan din aniya ito para bigyang kasiguruhan ang mga manggagawa na sila ay pinahahalagahan sa kanilang pagtatrabaho
“Eddie Garcia Law is our promise to do better by our actors, crew members, and everyone who brings our stories to life.” sabi ni Romualdez
“For ordinary Filipinos, this law means more than just new rules and regulations. It means that their safety, their rights, and their well-being are being taken seriously. It means that when they step onto a set, they can do their jobs with the confidence that they are protected and valued,” sabi niya. | ulat ni Kathleen Forbes