Rotational brownout, handang ipatupad muli ng MERALCO kasunod ng Red at Yellow Alert Status sa Luzon Grid ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling umapila Manila Electric Company (MERALCO) sa mga customer nito na ipagpatuloy ang pagtitipid sa kuryente.

Ito’y matapos ilagay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Red at Yellow Alert ang Luzon Grid, ngayong araw.

Ayon sa MERALCO, nakahanda ulit silang magpatupad ng Manual Load Dropping o rotational brownout.

Kaya’t nanawagan ito sa kanilang mga commercial at industrial customer sa ilalim ng Interruptible Load Program (ILP) na magbawas ng konsumo ng kuryente.

Sa ilalim ng ILP, ang mga malalaking kumpanyang gumagamit ng maraming kuryente ay pansamantalang hindi kukuha ng kuryente mula sa grid.

Kahapon, aabot sa 100,000 customer nito ang naapektuhan ng ipinatupad na rotational brownout partikular na sa Bulacan, mula alas-8 ng gabi na tumagal ng 20 minuto. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us