Kamara, nagsagawa ng continuing legal education sa mga abogado nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ang House of representative ng mandatory continuing legal education o MCLE.

Layon nitong maging angkop ang kaalaman ng mga abogado ng Kamara sa huling mga kaganapan sa legal na propesyon.

Tinalakay ng MCLE ang mga paksang ukol sa Environment Law and Rules and Procedures, 2019 rules on evidence as applied in criminal cases, mahahalagang amyenda sa rules of civil procedures at iba pa.

Ayon kay Atty. Fina Bernadette dela Cuesta Tantuico isa sa lecturers, may mga mahahalagang development sa ating mga batas at socio economic life dala ng mabilis na technological advancement kaya importante aniya na maging handa at angkop ang pagtugon ng mga abogado sa lipunan.

Ang MCLE ay inorganisa ng Kamara katuwang ang Integrated bar of the Philippines. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us