Inanunsyo ng OCTA Research ang muling pagtaas ng positivity rate o bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 mula mga na-test sa Metro Manila.
Batay sa latest update ng OCTA Research group, umakyat pa sa 13.4% ang COVID-19 weekly positivity rate sa Metro Manila nitong April 25, mula yan sa 8.4% na naitala noong April 19.
Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, inaasahan nitong lalo pang tataas ang hawaan ng COVID-19 sa NCR sa hanggang 20%.
Kaugnay nito, naitala rin ng OCTA ang pagtaas sa 13.5% ng nationwide positivity rate.
Sa ulat ng Department of Health, mayroong 781 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Huwebes kung saan 274 kaso ay mula sa Metro Manila. | ulat ni Merry Ann Bastasa