Mga estudyanteng parte ng LGBTQIA+, bibigyan ng espesyal na graduation ceremony ng QC LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kung sa ibang lugar ay hindi pinapayagang magmartsa ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community, ang Quezon City Local Government, may handog pang espesyal na graduation ceremony.

Ayon sa LGU, ito ay para ipagdiwang ang karapatan ng mga mag-aaral na malayang magtapos at mag-martsa na ayon sa kanilang sariling presentasyon.

Idadaos ito sa darating na June 22, 2024, na tinawag na “Graduation Rights: March with Pride in QC.” 

Bukas ang programang ito sa mga:

• Miyembro ng LGBTQIA+ Community

• 18 anyos pataas

• Residente ng Quezon City o kung hindi man, nagtapos sa paaralan na matatagpuan sa Quezon City

• Hindi nakapagmartsa base sa kanilang kasarian at nais na self-expression noong sila ay Senior High School o College

Kailangan lamang na magrehistro sa link na mila sa LGU: bit.ly/GraduationRightsRegistration.

Bukas ang registration hanggang June 7, 2024 lamang.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us