Tinatayang aabot sa 950 truckers ng agricultural products ang makikinabang sa toll fee rebates na epektibo na simula bukas, June 1.
Ito ay sa ilalim ng Agri-Trucks Toll Rebate Program, kung saan babawasan ang toll fee na babayaran ng mga accredited truckers ng Department of Agriculture (DA).
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco “Kiko” Tiu Laurel Jr., malaki ang maitutulong ng programa sa presyo ng pagkain gaya ng bigas, mga gulay, isda, at karne.
Kasunod nito, nagpasalamat ang kalihim sa mga operator ng iba’t ibang tollways sa Luzon sa pakikiisa sa naturang inisyatibo.
Muli naman itong nagpaaalala sa mga trucker na kailangang accredited ng DA at mayroon kayong valid Autosweep and/or Easytrip RFID accounts para maging kwalipikado sa exemption na ito. | ulat ni Merry Ann Bastasa