Tumaas ng hanggang ₱20 ang kada kilo ng mga gulay sa Marikina City Public Market dulot pa rin ng epekto ng nagdaang bagyong Aghon.
Sa pag-iikot ng Radyo Piliipinas, nananatiling mataas ang presyo ng Ampalaya na nasa ₱140 ang kada kilo; Okra na nasa ₱120 ang kada kilo; Kamatis at Talong na nasa ₱100.
Ang Luya, nananatili ring mahal na nasa ₱170 ang kada kilo; Bawang na nasa ₱150 ang kada kilo; Sibuyas na nasa ₱100 ang kada kilo.
Okra ay nasa ₱120 ang kada kilo, habang ang mga gulay galing Norte ay tumaas din gaya ng Patatas, Carrots, at Pechay Baguio na nasa ₱90 ang kada kilo at Repolyo ay nasa ₱60 ang kada kilo.
Nananatili namang normal ang presyuhan ng karne ng Baboy na nasa ₱230 hanggang ₱380 ang kada kilo habang sa isda naman gaya ng Galunggong ay nasa ₱200 hanggang ₱220 ang kada kilo depende sa laki.
Ang Bangus ay nasa ₱180 ang kada kilo, habang nananatiling mura naman ang presyo ng Tilapia na nasa ₱110 ang kada kilo. | ulat ni Jaymark Dagala