Pagkakaaresto ng CIDG sa Chinese national na nahulihan ng military grade drone, iba pang high-tech na mga gamit, pinapurihan ng AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapurihan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Pambansang Pulisya.

Ito’y matapos maaresto ang Chinese national na nanutok ng baril at nakuhanan ng military grade na drone at iba pang high-tech na kagamitan.

Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, nakikipag-ugnayan na rin sila sa CIDG gayundin sa kinauukulang ahensya ng pamahalaan para alamin ang lawak ng aktibidad nito.

Una kasing hinihinalang gamit sa pang-e-espiya ang mga nakuha sa dayuhan na maituturing na may kinalaman sa “national security.”

Kasabay nito, kaisa ng CIDG ang AFP sa pagka-alarma gayundin sa pagkabahala na ginagamit ang mga tinatawag na “sophisticated electronic equipment” sa iligal na aktibidad gaya ng pag-e-espiya.

“The AFP commends the CIDG and local law enforcement for their swift action in apprehending Mr. Yuhang Liu in Makati City. The discovery of firearms and sophisticated electronic equipment is concerning and underscores the importance of vigilance. We are closely coordinating with relevant authorities to determine the full scope of this incident. Ensuring national security remains our top priority, and we are committed to supporting ongoing investigations,” pahayag ni Col. Francel Padilla, AFP Spokesperson. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us