Mga palyadong traffic light sa bahagi ng Ortigas at MERALCO Avenue, inirereklamo ng mga motorista

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inirereklamo ng mga motorista ang mga palyadong traffic light sa panulukan ng Ortigas at MERALCO Avenue sa Pasig City.

Anila, mas lalo kasing nagkakabohol-bohol ang trapiko dito tuwing rush hour.

Apektado ng palyadong traffic light ang mga motorista na patungong San Juan City gayundin ang mga patungong ng Cainta sa Rizal.

Para sa mga motorista, mahirap ito lalo na sa madaling araw na walang nakaposteng tauhan ng MMDA o Pasig Traffic personnel para magmando ng trapiko.

Dumarating kasi anila ang mga ito pagsapit ng alas-6 ng umaga kung saan, mabigat na ang daloy ng trapiko.

Kaya naman nagbibigayan ang mga motorista para makaraan at kaniya-kaniyang diskarte na lang din sila para makatawid sa nasabing panulukan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us