Ibinida ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan ang mga hakbang ng pamahalaan upang paigtingin ang productivity growth para sa isang inklusibo at sustainable na pag-unlad ng ekonomiya.
Sa kanyang pagdalo sa 66th Session ng APO Governing Body sa Kuala Lumpur, Malaysia, binigyang-diin ni Balisacan ang kahalagahan ng digitalization, public-private partnerships, at pagpapalakas ng innovation ecosystem para mapabuti ang productivity sa lahat ng sektor.
Kabilang sa mga hakbang na isinusulong ng pamahalaan ang digitalization ng public services, pagpapalakas ng kompetisyon sa telecommunications sector, at pagpo-promote ng public-private partnership projects.
Naniniwala si Balisacan na ang investment sa human capital, tulad ng pagpapabuti ng edukasyon, healthcare, at social services, ay mahalaga para makamit ang isang inklusibong lipunan kung saan ang lahat ay makikinabang sa pag-unlad ng ekonomiya.
Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito, umaasa ang NEDA na mapabilis ang pag-unlad ng ekonomiya at maitataas ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino. | ulat ni Diane Lear