Pinagtibay ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Resolution 454.
Layon nitong himukin si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palawigin ang polisiya na magbibigay ng tax exemption sa mga biyahero patungo sa Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines-East Asean Growth Area (BIMP-EAGA).
2018 nang simulan ang naturang polisiya sa ilalim ng Duterte Administration kung saan hindi pagbabayarin ng travel tax ang mga biyaherong magmumula sa lahat ng international sea at air ports sa Palawan at Mindanao patungo sa BIMP-EAGA.
Ngayong Mayo nakatakdang magtapos o mapaso ang naturang insentibo.
Umaasa ang mga mambabatas na mapagbigyan ito ni PBBM upang mapalakas ang ugnayang pangkalakalan, turismo at pamumuhunan sa pagitan ng Pilipinas at mga bansang kasapi salig na rin sa BIMP-EAGA Vision 2025.
Batay sa resolusyon, ipinapanukalang palawigin ang tax exemption policy ng limang taon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes