Nasa 666 indibidwal ang pinakahuling naging benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP) mula sa Cebu.
Iniabot ang paunang seed fund na nagkakahalagang P15,000 upang masimulan ng mga benepisyaryo ang negosyo bilang puhunan.
Pinondohan ang nasabing batch ng SLP payout mula sa opisina ng ACT-CIS Partylist, kung saan mismong sina ACT-CIS representatives Edvic Yap at Erwin ang nanguna sa distribusyon kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na siyang implementing agency ng SLP.
Ayon may DSWD Assistant Secretary for Specialized Programs Florentino Loyola, paunang pondo pa lang P15,000 dahil kapag lumago na ang kanilang nasimulang negosyo matapos ang monitoring at assessment, dadagdagan pa ang nasabing pondo upang mas umunlad ang nasabing livelihood initiative.
Tig-60 benepisyaryo ang mula sa Carcar City, Balamban, Toledo City, Daanbantayan, Medellin, at San Remigio, habang 30 ang mula sa Talisay City, Naga City, Pinamungajan, Liloan, at Carmen.
Nasa tig-50 naman ang nakatanggap mula Mandaue City at Lapu-Lapu City, habang 56 mula sa Samboan.
Nagpasalamat naman si DSWD 7 Regional Director Shalaine Marie Lucero kay dating DSWD Sec. Tulfo at sa ACT-CIS dahil sa suporta nito sa programa ng ahensya.
Ginanap ang payout sa Barangay Subangdaku Multi-purpose Gym kasama ang host LGU ng Mandaue, pinangunahan ni Mayor Jonas Cortes. | ulat ni Jessa Agua-Ylanan | RP1 Cebu