DND Sec. Teodoro, makikipagpulong sa kanyang counterparts mula sa iba’t ibang bansa sa Singapore

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang makipagpulong si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro sa kanyang mga counterpart mula sa Amerika, Europa, at Asya-Pasipiko, sa “sidelines” ng 21st International Institute for Strategic Studies Shangri-La Dialogue (SLD) sa Singapore.

Ito’y matapos na dumalo sa pormal na pagbubukas ng pagtitipon, kung saan nakatakdang magbigay ng keynote address ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. mamayang alas-8 ng gabi.

Bukas, ay naka-skedyul si Teodoro na makipagpulong kina Lithuanian Minister of National Defense Laurynas Kasčiūnas; Canadian Minister of Defense Bill Blair; New Zealand Defense Minister Judith Anne Collins; South Korean Minister of National Defense Shin Won-Sik; High Representative of the European Union for Foreign Affairs and Security Policy and Vice President of the Commission for a Stronger Europe in the World Josep Borrell Fontelles.

Magsasagawa din ng courtesy call si Sec. Teodoro kay Minister for Defense of Singapore Dr. Ng Eng Hen. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us