Posibleng bumisita sa Pilipinas si Singaporean President Tharman Shanmugaratnam.
Isa lamang ito sa mga napag-usapan sa bilateral meeting sa pagitan ni Wong at ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Istana, ngayong hapon.
Ayon sa Singaporean official, looking working na siya sa oportunidad na makabisita sa Pilipinas, lalo’t magsisilbi ito bilang panibagong pagkakataon sa pagpapalalim ng balikatan ng Pilipinas at Singapore.
“We’re seeing opportunity to take forward our relationship … but it’s a warm relationship that’s getting warmer under your leadership,” —President Tharman.
Una na ring siniguro ng Singaporean official na sa ilalim ng kaniyang administrasyon, dadami pa ang kooperasyon ng dalawang bansa, partikular sa aspeto ng ekonomiya, kalikasan, at iba pang areas of cooperation.
Ito ang unang pagkakataon na nagkita ang dalawang lider matapos ang panunumpa sa pwesto ng Singaporean official. | ulat ni Racquel Bayan