Sa gitna ng nakababahalang pandaigdigang krisis sa biodiversity, aktibong kumikilos ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang protektahan ang mayamang kalikasan ng Pilipinas.
Sa isang pahayag, binigyang-diin ni Environment Secretary Maria Antonia Loyzaga ang whole-of-government at whole-of-society approach ng kagawaran.
Ayon kay Loyzaga, nakikipagtulungan ang DENR sa iba’t ibang sektor upang mapangalagaan ang mga ecosystem at matiyak ang katatagan ng mga komunidad.
Kabilang sa mga inisyatibo ng DENR ang pakikipagtulungan sa USAID sa pagbuo ng pambansang plano para sa pagpapatupad ng batas pangkalikasan.
Sinuportahan din ng DENR ang paglikha ng unang plano ng Palawan para sa pagpapanumbalik ng kagubatan.
Inilunsad din ng DENR ang “Sukat ng Kalikasan” toolkit, isang makabagong tool na naglalayong sukatin ang ecological, socio-economic, at cultural value ng likas na yaman ng bansa.
Tiniyak ng DENR na sa pamamagitan ng mga inisyatibong ito, mapapanatiling buhay ang mayamang kalikasan ng bansa. | ulat ni Diane Lear