Sa kabila ng mga nararanasan nang pag-ulan, patuloy pa rin ang pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat dam.
Batay sa monitoring ng Pagasa Hydrometeorology Division ngayong umaga, nabawasan pa ng 0.21 meters ang lebel ng tubig sa Angat dam.
Mula sa 179.28 meters na water elevation kahapon, bumaba ito sa 178.07 meters hanggang alas-8:00 ngayong umaga.
Mas bumaba na sa minimum operating level na 180 meters at 30. 93 meters ang pagitan mula sa 210 meters normal high water elevation ng dam.
Samantala, naitala sa 100.28 meters ang water elevation ng Ipo Dam, 75.54 meters sa La Mesa Dam at 740.88 meters sa Ambuklao Dam.
Hindi pa rin nakitaan ng pagtaas ng water level ang mga nasabing dam at sa limang iba pang dam sa Luzon. | ulat ni Rey Ferrer