Inilatag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa mga negosyante sa Brunei ang malaking potensyal ng agrikultura sa Pilipinas.
Binigyang-diin ng kalihim ang lumalagong domestic market, export prospects, masaganang likas na yaman at investor-friendly na business environment.
Kasama si Pangulong Ferdinand R Marcos Jr., nakilahok si Secretary Laurel sa mga talakayan na layuning palalimin pa ang ugnayang diplomasya at ekonomiya sa pagitan ng dalawang bansang miyembro ng ASEAN.
Iprinesenta nito sa harap ng mga negosyante ang iba’t ibang oportunidad sa agri-trade at agri-business na hinog sa dayuhang pamumuhunan sa Pilipinas.
Ang pagiging strategic geographical location ng bansa ay magandang puwesto bilang pintuan ng export markets sa Kanluran at may malakas na demand na ng mga pangunahing produkto. | ulat ni Rey Ferrer