Ukraine, nais magbukas ng embahada sa Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpulong sa Malacañang sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Ukraine President Volodymyr Zelenskyy.

Matapos ang arrival honors para sa lider ng Ukraine ay agad na nagpulong ang dalawang lider kung saan ay nagpahayag si Zelenskyy ng pagnanais na magbukas ng kanilang embahada sa Pilipinas.

Sa ngayon tanging sa Malaysia lamang mayroong embahada ang Ukraine sa bahagi ng Asya.

Nagpahayag naman ng kagalakan ang Punong Ehekutibo at nakapunta ng Pilipinas ang Ukrainian leader gayong naging mahigpit ang kanilang naging schedule sa Singapore para sa Shangri-La Dialogue 2024.

Batay sa mga ulat, nakipagpulong umano ang Ukrainian President kay US Defense Secretary Lloyd Austin sa Singapore.

Hiningi din umano nito ang suporta ng mga bansa sa Asya para sa paparating na peace summit ngayong buwan na gaganapin sa Switzerland. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us