DSWD, nagpaabot ng P4.5M na tulong pangkabuhayan sa mga komunidad na apektado ng kaguluhan sa Ilocos Sur

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kabuuang P4.5 milyon na sustainable livelihood grants ang ipinagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga komunidad na apektado ng kaguluhan sa lalawigan ng Ilocos Sur.

Pinangunahan ni DSWD Undersecretary for Inclusive-Sustainable Peace and Special Concerns Alan Tanjusay, ang ceremonial awarding ng seed capital fund sa 15 Sustainable Livelihood Program Associations (SLPAs) sa Vigan City.

Ang mga SLPA na may kabuuang 403 miyembro ay mula sa pitong munisipalidad ng Ilocos Sur kabilang ang Burgos, Galimuyod, Narvacan, Salcedo, Santiago, Sta.  Maria, at Sta Lucia.

Hinimok ni Usec. Tanjusay ang mga benepisyaryo, na responsableng pangasiwaan at ipagpatuloy ang mga ibinibigay na tulong sa kanila ng pamahalaan.

Mula noong 2021, humigit-kumulang 27 SLPA ang nabuo sa Ilocos Sur na may mga proyektong panghayupan gayundin ang pagtitinda ng agricultural supply, general merchandise  at bigas. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us