Kasalukuyang inililikas ng La Castellana Municipal Government ang mga residente na maaaring maapektohan ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon ngayong Lunes.
Kabilang sa mga tinungong komunidad ng La Castellana Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang mga barangay ng Biaknabato, Masulog at Mansalanao na pawang malapit sa bulkan.
Samantala, hinimok naman ni La Castellana Mayor Alme Rhummyla Nicor-Mangilimutan ang mga residente ng kanilang bayan na huwag magpanic at manatiling alerto ngayong nagpapatuloy pa ang pagbuga ng asupre at buhangin.
Pinaalalahanan naman ng La Castellana MDRRMO ang lahat ng residente, lalo na ang may mga sakit sa baga, na magsuot ng face masks.| ulat ni JP Hervas| RP1 Iloilo