Quota system, posibleng dahilan ng gawa-gawang buy bust operation sa Antipolo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinagpatuloy ng House Committee on Public Order ang Safety ang imbestigasyon hinggil sa ilegal at gawa-gawang buy bust operation ng ilang miyembro ng Philippine National Police (PNP) 4A.

Salig ito sa House Resolution 776 ni Antipolo Representative Romeo Acop, dahil sa ilang iregularidad sa dalawang magkahiwalay na drug operations sa Antipolo noong nakaraang taon.

Naniniwala naman si 1-Rider Party-list Rep. Bonifacio Bosita, isang dating opisyal ng pulisya, na kaya nagkakaroon ng mga ganitong pangyayari ay dahil sa quota system sa PNP kaugnay ng kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot.

“Based on my personal experience, ang nagtutulak kasi dito, in fairness dito sa ating mga kapatid na police personnel, eh naniniwala ako, itong mga ‘to ay sumusunod lang, meron kasi Mr. Chair na quota eh during my ti me, naranasan ko po ‘yan… Sometimes hindi acceptable sa iba yung maganda na dapat mong gawin. Ako personally naniniwala ako na ang root cause nitong isyu na ito is the quota-quota system.” ani Bosita.

Siya aniya ay naranasan ito, kung saan matapos makumbinsi na sumuko ang 20 sa 21 na nasa watchlist ng kaniyang presinto ay na-relieve siya sa pwesto at inilipat.

Nabanggit na lamang aniya sa kaniya ng isang senior officer na ang kaniyang pagkaka relieve ay may kaugnayan sa kanyang mga pinasuko. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us