Kampante pa rin ang Department of Agriculture na makamit ang target na 20.44 million metric tons ng palay ngayong taon sa kabila ng epekto ng El Nino.
Ayon kay DA Undersecretary Chris Morales,tinapik na ng ahensya ang iba’t ibang pribadong organisasyon para tumulong na palawigin ang abot ng rice production program.
Ang palay harvest ay tumaas sa record high na 20.06 million metric tons noong nakalipas na taon dahil sa government interventions.
Nakatulong din sa pagtaas ng palay output ang provision ng hybrid -rice program-seeds at ang contract growing program ng National Irrigation Administration.
Sa ngayon, sinabi ni Morales nanatiling manageable ang sitwasyon ng suplay ng bigas lalo na sa patuloy na pag-aangkat ng pribadong sektor upang madagdagan ang domestic production. | ulat ni Rey Ferrer