DND OIC Galvez, nagpasalamat sa Pangulo sa pagdalo sa Balikatan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinasalamatan ni Department of National Defense (DND) Officer in Charge Sr. UnderSecretary Carlito Galvez Jr. ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang pagdalo sa tampok na aktibidad ng Balikatan 38-2023, na unang pagkakataon na sinaksihan ng Pangulo ng Pilipinas ang ehersisyo makalipas ang mahigit 10 taon.

Inihayag ito ni Galvez sa Closing Ceremony ng Baliktan sa Camp Aguinaldo, matapos na pormal na ideklara ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Andres Centino ang pormal na pagsasara ng ehersisyo.

Sa kanyang mensahe, binati ni Galvez ang lahat ng lumahok sa pinakamalaking sabayang pagsasanay ng dalawang bansa, na aniya ay isang malaking tagumpay.

Kasama ni Galvez at Gen. Centino sa seremonya si US Ambassador to the Philippines Marykay Carlson, US IndoPacific Commander Admiral John C. Aquilino, at mga Exercise Director ng dalawang bansa.

Sa panig naman ng militar ng Estados Unidos, sinabi Admiral Aquilino, na inaasahan niyang magiging mas malaki pa ang mga susunod na pagsasanay, kasabay ng pagsabi “Lets do this again soon.” | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us