Aalalayan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga overseas Filipino worker na nakansela ang mga flight sa Bacolod-Silay Interntional Airport dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon.
Ito ay matapos na ipag-utos ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kaninang umaga na kanselahin ang mga flight sa Bacolod-Silay airport dahil sa phreatic erruption ng bulkan.
Kaugnay nito, inatasan na ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac ang DMW Regional Office 6 at mga attached agency nito, gayundin ang Overseas Workers Welfare Administration upang tulungan ang mga apektadong OFW.
Samantala, pinayuhan din ng CAAP ang publiko na maaaring magbukas muli ang mga flight ngayong hapon kung sakaling humupa na ang aktibidad ng bulkan. | ulat ni Diane Lear