Isinulong ng Philippine Army at Indian Army ang mas malapitang kooperasyon ng dalawang hukbo.
Ito’y sa pagpupulong ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Roy Galido at National Defence College of India Senior Directing Staff Maj. Gen. Samarth Nagar, nang mag-courtesy call ang huli sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio kahapon (June 5).
Dito’y tinalakay ng dalawang opisyal ang mga diplomatikong plano at oportunidad para tugunan ang mga kasalukuyan at hinaharap na banta ng dalawang pwersa.
Nagkasundo ang dalawang opisyal na palawakin ang edukasyon at training programs sa pamamagitan ng exchange-visit at personnel-exchange sa pagitan ng kanilang mga bansa. | ulat ni Leo Sarne
📸: Cpl. Rodgen Quirante, OACPA