Muling tiniyak ng local partner organizations ang commitment nito na tumulong sa pagsasakatuparan ng MATATAG Agenda ng Department of Education.
Sa ginanap na consultative meeting, inihanay ang local partners sa MATATAG Agenda at ipinresinta ang mga panukalang education interventions.
Tinalakay din ang distribusyon at classification ng mga programa at proyekto ng local partners mula sa rehiyon, grade levels, uri ng programa at sakop nito.
Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, hindi na lamang pangarap ang MATATAG Agenda kundi isang commitment kaya kailangan nila ng kolaborasyon sa local partners.
Nagpahayag din ng interes ang partners ukol sa mga karagdagang programa na maaaring isama sa interventions.
Kabilang sa mga napag-usapan ang kapakanan ng mga guro sa pamamagitan ng capacity-building, scholarships, financial literacy at kalusugan.
Samantala, hinimok ng DepEd ang local partners na mag-sign up sa Partnership and Assistance Portal at tingnan ang School Improvement Plan ng mga paaralan na accessible sa website. | ulat ni Hajji Kaamiño