Department of Trade and Industry, paiigtingin ang ugnayan sa media platform na Tik Tok sa pagpapalakas ng e-commerce at MSMEs sa bansa.
Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, dahil sa lumalakas na e-commerce sa bansa, layon ng naturang partnership na magkaroon ng mas magandang plataporma ang micro, small and, medium enterprises na maibenta ang kanilang mga produkto sa tulong ng nabanggit na social media platform.
Sa hul, positibo naman si Secretary Pascual na sa pagpapaigting ng partnership ay magkakaroon ng mas maraming oportunidad ang mga maliliit na negosyante sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio
📷: DTI