Hindi magbabago ang pagtingin ng Estados Unidos sa Pilipinas bilang isang matatag na kaalyado nito sa rehiyon ng Asya Pasipiko.
Ito ang binigyang diin ni United States Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson na nagsabing mananatiling “iron clad” ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa pagtatapos ng taunang BALIKATAN Exercises ngayong taon, sinabi ni Carlson na maraming nagbago at lalo pang tumingkad ang naging pagsasanay ng 2 bansa kasama ang mga observer mula sa Australia.
Maliban aniya sa combat and non combat warfare, ibinahagi rin ng Amerika ang mga kakayahan nito sa Cyber at Space aspect ng pagsasanay.
Sa huli, nagpasalamat si Carlson sa lahat ng mga tumulong upang maging matagumpay ang pagsasanay sa pagitan ng mga tropa ng Pilipinas at Amerika. | ulat ni Jaymark Dagala.