NFA, magiikot sa ilang warehouse sa Bulacan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magsasagawa ngayon ng pag-iinspeksyon ang National Food Authority (NFA) sa ilang warehouse sa Bulacan para tutukan ang nagpapatuloy na palay procurement.

Pangungunahan ni NFA Administrator Larry Lacson at DA Undersecretary for Rice Industry Cris Morales ang inspeksyon sa ilang NFA warehouse kabilang ang sa Malipampang, San Ildefonso, Bulacan kung saan may mga magsasaka pang nagbebenta ng kanilang aning palay.

Magtutungo rin ang mga ito sa Brgy. Sta. Rita Warehouse sa San Miguel Bulacan kung saan may maikling pulong ang mga opisyal sa ilang kooperatiba sa lugar.

Una nang sinabi ng NFA na kumpiyansa itong malampasan ang target nitong mahigit tatlong milyong sako ng palay para sa unang kalahati ng taon dahil sa pagtaas ng buying price ng palay.

Marami kasing magsasaka ang tumangkilik nito at nagbenta sa mga warehouse ng NFA, dahilan para tumaas na ang buffer stock ng bigas ng bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us