Nagkasa na rin ng sariling imbestigasyon ang Bureau of Internal Revenue o BIR kay Suspended Bamban Mayor Alice Guo.
Ito ay kasunod ng nagpapatuloy na pagdinig sa senado kung saan tila hindi nagtutugma ang deklaradong kita nito sa taglay na mga ari arian ng alkalde.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo D. Lumagui Jr., iniutos na nito sa mga tauhan na silipin kung nagbabayad ba ng tamang buwis ang mga pangalan at kumpanyang nabanggit sa pagdinig at kung may paglabag man ay agad itong sampahan ng tax evasion cases.
Nakamonitor na aniya ang BIR sa pagdinig at nais na matukoy kung ang mga natukoy na pera, properties at iba pang source of wealth sa pagdinig ay natatapatan ng tamang buwis.
Kasunod nito, tiniyak naman ni Comm. Lumagui na dadaan sa due process ang imbestigasyon ng BIR.
Bukas din ang BIR sa lahat ng mga nagnanais na magbigay ng impormasyon at ebidensya para maisaillaim sa auditing si Mayor Guo. | ulat ni Merry Ann Bastasa