Tiniyak ngayon ni National Food Authority na hindi makakaapekto ang pagbaba ng taripa kasalukuyang pagbili nila ng palay sa mga magsasaka.
Sa isinagawa nitong pagiinspeksyonsa NFA warehouse sa Bulacan, sinabi ni NFA Admin Larry Lacson na walang dapat ipag-alala ang mga magsasaka dahil patuloy ang kanilang mandato na bumili sa mga magsasaka para sa buffer stock ng bansa.
Aniya, walang magiging kinalaman ang pagbaba ng taripa sa itinatakdang buying price ng NFA.
Pagtitiyak nito, patuloy silang bibili sa presyo na makatutulong para may kumportableng kita ang mga magsasaka. | ulat ni Merry Ann Bastasa