Hinikayat ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga OFW na kumuha ng OFW e-CARD upang magkaroon ng mas mabilis na access sa mga programa at serbisyo ng OWWA.
Ayon kay OWWA Administrator Arnell Ignacio, ang bagong OFW e-CARD ay mas secure at magagamit itong valid ID ng mga kababayang OFW sa mga transaksyon nito sa pamahalaan.
Dagdag pa ni Ignacio, may mga kaakibat itong discount privileges sa ilang mga hotel at restaurants.
Para sa mga nais mag-avail, magpresenta lamang ng anumang proof ng membership gaya ng OWWA receipt, Overseas Employment Certificate (OEC), o kaya ay ang dating OWWA card o passport at agad itong ipi-print ng OWWA representatives kapag na-verify na ang ang mga impormasyon. | ulat ni AJ Ignacio