Welcome para kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang suporta ng dalawang business group para bigyan muli ng prangkisa ang Meralco.
Sabi ng mambabatas nasa tamang direksyon ang suporta ng Makati Business Club at ng Management Association of the Philippine sa House Bill 9813 o panukalang gawaran ng panibagong 25 taong prangkisa ang Meralco.
Ibig sabihin aniya nito ay kaisa ang business community sa pagsiguro na may sapat na energy suplay ang bansa bago pa man mapaso ang prangkisa ng Meralco sa 2028.
Ipinapakita rin aniya nito na nais protektahan ng business sectror ang mga investment nila para sa kanila ring mga empleyado, customer at stakeholders.
Sa liham ng MBC sa House Committee on Energy, tinukoy nito ang mahalagang papel ng Meralco sa pagtiyak ng isang reliable at accessible na pagkukunan ng suplay ng kuryente sa mga kabahayan at key economic regions.
“Given the significant role played by Meralco in serving households and critical sectors such as services and industry, we urge your office to prioritize reliable energy provision to sustain economic growth and attract investments. We therefore endorse the renewal of Meralco’s energy franchise, while also recognizing the need for targeted adjustments where necessary,” saad ng MBC.
Kinilala naman ng MAP ang green energy effort ng Meralco bukod pa sa halos 100 percent electrification ng franchise area nito.
“Meralco’s impact goes beyond its own service area. It actively supports fellow utilities, particularly electric cooperatives, in times of natural disasters. This commitment to mutual aid strengthens the overall resilience of the Philippine power grid,” saad sa liham ng MAP. | ulat ni Kathleen Jean Forbes