Pumalo na sa P9.6 bilyon ang pinsalang idinulot ng El Niño sa sektor ng agrikultura.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Arnel De Mesa, nasa 100,000 tonelada ang nawalang produksiyon ng palay dahil sa matinding epekto tagtuyot.
Gayunpaman, mas mababa ito sa inaasahang pinsala ng ahensya.
Nakatulong aniya ang maagang paghahanda ng Department of Agriculture (DA), kabilang ang mga water management intervention, makabagong teknolohiya sa pagtatanim, at paggamit ng magagandang klase ng binhi.
Samantala, naghahanda na rin ang DA para sa posibleng pinsalang dulot ng paparating na La Niña.
Kabilang sa kanilang paghahanda ang pagsasaayos ng mga major water canals patungo sa mga sakahan. | ulat ni Diane Lear