Tuloy-tuloy na ang pamamahagi ng farm inputs ng National Irrigation Administration (NIA) sa mga irrigators association na kasama sa Rice Contract Farming Scheme ng ahensya.
Nitong makalipas na Hunyo 5, namigay ng hybrid seeds, fertilizers, insecticides, pesticides at iba pa ang NIA Apayao Irrigation Management Office sa Bacicol Federation Irrigators Association, Lagac-Sta. Maria IA, at Namnama ti Tamalunog IA.
Sa kabuuan, tatlong IA na may 43 na benepisyaryo ng magsasaka ang nakatanggap ng farm inputs.
Gagamitin nila ito sa pagtatanim sa 71.5 ektarya ng lupang sakahan sa ilalim ng contract farming.
Sa pamamagitan ng programa ng NIA, nakatutulong na mapababa ang mga gastos sa produksyon sa suporta ng gobyerno, tulad ng pagbibigay ng farm inputs.
Tinutulungan din nito ang gobyerno na mag-alok ng mas abot-kayang bigas sa mga mamimili at pagsuporta sa food security sa bansa. | ulat ni Rey Ferrer