Nakatakdang makumpleto pagsapit ng taong 2031 ang proyekto para sa LRT-1 Cavite Extension na layong pabilisin ang transportasyon ng mga komyuter ng NCR at Cavite.
Ayon sa mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr), sa pamamagitan ng nasabing proyekto mapapaiksi ang oras ng pagbiyahe ng mga biyahero mula sa Baclaran sa Parañaque City patungo sa Niog sa Bacoor, Cavite ng 25 minuto.
Inaasahan din na sa pamamagitan ng proyekto ay madadagdagan nito ang pang-araw-araw ng ridership ng tren sa 300,000 hanggang 800,000 na pasahero sa unang taon ng operasyon nito.
Samantala, inaasahang bago matapos ang taon ay bubuksan na sa publiko ang Phase 1 ng proyekto na nasa 98.2% na.
Ito ay dadagdag ng 6.2 kilometro sa linya ng LRT-1 kasama ang limang bagong istasyon na kinabibilangan ng Redemptorist Station, Manila International Airport Station, Ninoy Aquino Station, at Dr. Santos Station na magisisilbin namang major transit hub.
Sinabi naman ni DOTr Secretary Jaime Bautista, sa panahong makumpleto ang proyekto ay kokonti ang bilang ng mga gumagamit ng pribadong sasakyan na magpapagaan sa trapiko sa mga nasasakupan nitong lugar.| ulat ni EJ Lazaro