Sa pamamagitan ng Executive Order No. 61 ay iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkaroon ng streamlining at ayusin ang Results-Based Performance Management System at Performance-Based Incentive System.
Ayon sa Malacañang, duplicated at redundant ang RBPMS and PBI System sa internal at external performance audit at evaluation systems ng pamahalaan.
Bukod Dito ay kulang din aniya ang mga ito sa mekanismo ng pagsusuri na nagdulot ng pagdami ng mga patakaran, regulasyon, at kautusan mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) para sa Harmonization of National Government Performance Monitoring, Information and Reporting Systems.
Sagabal din aniya ito sa compliance at kumakain ng oras sa mga ahensya ng gobyerno bukod pa sa nagiging burokratiko.
Kailangan aniyang magkaruon ng streamlining ukol dito sa harap na din ng itinataguyod na ease of doing business initiatives, at reporma sa performance evaluation process at incentives system ng pamahalaan.
At kaugnay ng EO ng Pangulo ay isang Technical Working Group ang magsasagawa ng pag-aaral at ng RBPMS at PBI System.| ulat ni Alvin Baltazar